Dumating ngayong Linggo ng umaga ang nasa 1,813,500 doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng pamahalaan ng US sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.

Kaya naman, umabot na sa 77,410,640 doses ang mga bakunang dinala sa bansa simula nang lumarga ang pagbabakuna.

“With the over 77-million vaccine doses we have received since February, we are moving closer to vaccinating half of our eligible population. This will be another major milestone in our vaccine rollout,” wika ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ani Galvez, marami pang darating na bakuna sa bansa ngayong Oktubre at inaasahan nila na bago matapos ang buwan na ito ay aabot na sa 100 milyon ang lahat ng bakunang natanggap ng bansa.

“And by the end of October, we project that the country would have received a total of 100 million vaccine doses (since February), which could fully inoculate about 50 million Filipinos. This brings us closer to our goal of achieving herd immunity or population protection for us to safely exit from this pandemic as soon as possible,” wika pa ng vaccine czar.

Ayon pa kay Galvez, karamihan sa mga bakuna na dinala ngayong Linggo ay dadalhin sa Calabarzon at Central Luzon. (MJD)

The post Donasyong 1.8-M Pfizer vaccine lumapag sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/donasyong-1-8-m-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=donasyong-1-8-m-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas)