Sinuka ni Pinoy rockstar Dong Abay ang mga “die-hard fan” ni Vice President Leni Robredo.

Kaugnyay ito sa mga supporters ni VP Leni sa kanyang presidential bid para sa Halalan 2022.

Ani Dong, “ka-cheapan” lang ang masyadong pagsamba sa opisyal.

“Meron bang Nanay Cory? Nanay Gloria?Tama na yang Nanay Leni, kacheapan na yan tulad ng Tatay Digong,” tweet niya nitong Sabado.

Magugunitang kinalampag ng #LetLeniLead posts ang ilang social media networking sites matapos ianunsyo ni Robredo na tatakbo siya bilang pangulo ng bansa sa susunod na taon.

Sunod-sunod din ang pagbabahagi ng ilang mga netizen ng kanilang picture kung saan nakasuot sila ng pink o kaya nama’y may bahid ng pink ang kanilang paligid na sumisimbolo umano sa suporta nila sa Bise Presidnte. (VA)

The post Dong Abay naasiwa sa Leni supporters: Tulad lang kayo ng DDS! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dong-abay-naasiwa-sa-leni-supporters-tulad-lang-kayo-ng-dds/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dong-abay-naasiwa-sa-leni-supporters-tulad-lang-kayo-ng-dds)