Inaasahang darating na sa bansa ang unang set ng mga tren para sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 bago ang Pasko.

Ayon ito sa pahayag Department of Transportation.

Anila, nakatakda na kasing umalis ang tren sa Yokohama, Japan ngayong Oktubre matapos sumailalim sa maraming Factory Acceptance Testing (FAT).

Dahil sa bagong railways, inaasahang aabot na lang sa 35 minuto ang biyahe mula Tutuban, Metro Manila hanggang Malolos, Bulacan.

Ayon sa ulat, may kapasidad na makapagsakay ng 300,000 pasahero ang naturang tren. (VA)

The post DTI: Mga bagong tren para sa PNR Clark lalapag sa ‘Pinas bago Pasko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dti-mga-bagong-tren-para-sa-pnr-clark-lalapag-sa-pinas-bago-pasko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dti-mga-bagong-tren-para-sa-pnr-clark-lalapag-sa-pinas-bago-pasko)