Hindi lamang si Senador Ronald dela Rosa ang dapat nerbiyosin sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y extrajudicial killings sa drug war kundi maging si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay ex-Senator Antonio Trillanes IV.
“Sila dapat dalawa ang nerbiyosin ano kasi talagang sila ‘yung mga arkitekto nito noong mga pagpatay,” lahad ni Trillanes sa isang online interview.
“Ikaw pa ‘yung nagpasimuno ng pagpatay sa mga constituent mo. So, mananagot sila diyan,” dagdag ng reelectionist senator.
Kamakailan ibinunyag ni Pangulong Duterte na ninenerbiyos si Dela Rosa matapos siyang isama sa mga kinasuhan sa ICC.
“Si Bato ninerbiyos kasi kasali siya doon sa tokhang niya. Sabi ko huwag siyang mag-alala, if there is any person who is going to prison it would be me,” anang Pangulo.
Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police nang magsimula ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte na tinawag na Oplan Tokhang.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-dapat-ding-nerbiyosin-sa-icc-trillanes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-dapat-ding-nerbiyosin-sa-icc-trillanes)
0 Mga Komento