Hindi titigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Dick Gordon hanggat hindi nababayaran ang P86 million na sinisingil ng gobyerno mula sa umano’y nadispalkong pondo ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hahabulin niya ang senador para mabawi ang pera ng gobyerno na kinuha umano nito, batay sa disallowance audit report ng Commission on Audit.

Kapag aniya naabutan niya ang senador ay sasapakin niya ito sa ulo.

“Hahabulin kita hanggang saan. Retired naman ako, matatalo ka man, hahabulin kita. Now pag inabot kita. Sapakin ko yang ulo mo, bakit itinakbo mo yung pera ng gobyerno?” anang Pangulo.

Hindi aniya kayang makipag-suntukan sa kanya ng senador dahil hindi siya kayang talunin nito.

Matatandaang hindi rin pinalagpas ng Presidente ang pagpuna sa malaking katawan umano ni Gordon sa mga nauna nitong banat sa senador.

“Hindi mo naman kayang makipag-ano sa akin. Iyang katawan mo? Eh isang wallop lang yan. Huwag ka ngang mayabang diyan. T****i**** Gordon na ‘to. Bayaran mo,” dagdag ng Pangulo. (Aileen taliping)

The post Duterte hahabulin si Dick: ‘Sapakin ko yang ulo mo’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-hahabulin-si-dick-sapakin-ko-yang-ulo-mo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-hahabulin-si-dick-sapakin-ko-yang-ulo-mo)