Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagha-hunting ng mga alkalde at barangay captains sa kanilang lungsod ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
“I urge LGUs to come up with a more systematic and efficient way of finding out who among your constituents have not yet vaccinated,” ani Duterte sa kanyang Talk to the People.
“I would like to appeal to mayors and barangay captains na magpasyal ng kalahating araw,” pagpapatuloy niya.
Anang Pangulo, dapat din umanong himukin ng mga opsiyal ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na magpaturok na.
“Tanungin kung sino pa hindi nabakunahan at sabihin niya na kung may scheduled na bakuna. You will see to it na gusto kita makita doon kasi maghawa-hawa ka lang ng ibang tao kung ayaw mo,” wika niya.
Ayon sa ulat ng GMA News, target ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 million eligible person kontra COVID bago matapos ang taon. (VA)
The post Duterte sa mga alkalde, LGU: Mga lungsod suyurin! Mga di bakunado ‘piliting’ magpabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-mga-alkalde-lgu-mga-lungsod-suyurin-mga-di-bakunado-piliting-magpabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-mga-alkalde-lgu-mga-lungsod-suyurin-mga-di-bakunado-piliting-magpabakuna)
0 Mga Komento