Ipinagmalaki ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ngayong Lunes na ‘di matitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa anomang imbestigasyon na maaaring gawin ng International Criminal Court (ICC) sa oras na bumaba na ito sa pwesto.

Ito ay kaugnay ng pag-anunsyo ni Duterte noong Sabado na magreretiro na siya sa politika.

Ayon kay Panelo, walang dapat ikabahala ang pangulo sa ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas.

“Wala naman silang jurisdiction kaya hindi siya nababahala doon,” ani Panelo.

Ginulat ni Duterte ang lahat nang mag-anunsyo ito ng pagreretiro sapagkat una niyang tinanggap ang nominasyon ng PDP-Laban para maging vice presidential candidate.

Sa halip, nagpunta pa rin si Duterte sa filing ng COC ngunit para samahan ang hahalili sa kanya na tumakbong bise presidente na si Senador Bong Go. (mjd)

The post Duterte wapakels sa ICC kapag nag-retiro – Panelo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-wapakels-sa-icc-kapag-nag-retiro-panelo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-wapakels-sa-icc-kapag-nag-retiro-panelo)