Nasungkit ng anak ni MMDA chaiman Behur Abalos na si Miss Mandaluyong Maria Corazon Abalos ang Best in National Costume award sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021.

Bukod dito, ilang special awards din ang iginawad ng organisasyon sa kanilang mga kandidata tulad ng Miss Air Asia Philippines at Miss Hennan Resort na siyang pinkayaw ni Maureen Christa Wroblewitz at Miss Save Point Plus at Face of Belo Sun Expert na siyang iginawad kay Miss Taguig Katrina Dimaranan.

Samantala, nakuha naman ni Miss Laguna Leren Mae Bautista ang titulo na Miss Bragais at Miss Organic Barley.

Nagtapos ang gabi na kinilalang Miss Universe Philippines 2021 si Beatrice Gomez ng Cebu City. (VA)

The post Dyunakis ni MMDA chaiman Abalos Best in National Costume sa Miss U PH 2021 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dyunakis-ni-mmda-chaiman-abalos-best-in-national-costume-sa-miss-u-ph-2021/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dyunakis-ni-mmda-chaiman-abalos-best-in-national-costume-sa-miss-u-ph-2021)