Matapos ang anunsyo ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Senador Francis “Kiko” Pangilinan para sa Halalan 2022, nag-girls night out ang kanilang mga dyunakis na kapwa nasa New York, USA.

Makikita sa isang litrato ang pagsagama nina Jillian Robredo at Frankie Pangilinan na nag-bonding sa isang restaurant.

“Our babies, Frankie and Jill, in pink, planning how they could help us , thousands of miles away,” caption ni VP Leni sa kanyang Facebook post.

“Of my children, Jillian took my decision the hardest. She feels so helpless being alone and so far from us. She wanted to go home but I told her that the best gift she could give me at this time is not to allow this to disrupt her senior year,” pagpapatuloy niya.

Thankful naman si Robredo kay Kakie na siyang naging kasangga ng kanyang anak habang malayo sa kanyang pamila.

“So glad that Frankie is there and they can both share the burden and the difficulties.

As parents, both Sen Kiko and I always feel guilty of how our families suffer whenever we answer the call of duty. But both of us are lucky that when it’s game time, our families are behind us 100%” dagdag pa niya.

Nito lamang Biyernes nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang tambalan para sa national elections sa susunod na taon.

Tumakbong Independent si VP Leni samantalang nasa ilalim naman ng Liberal Party si Pangilinan. (VA)

The post Dyunakis nina VP Leni, Kiko nag ‘walwal’ sa New York first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dyunakis-nina-vp-leni-kiko-nag-walwal-sa-new-york1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dyunakis-nina-vp-leni-kiko-nag-walwal-sa-new-york1)