Isa nang tatay si ‘Eat Bulaga’ child star BJ “Tolits” Forbes.

“Ngayon po ay dito sa Angono, SK President po ako. Although work from home kadalasan dahil pandemic tayo. Tapos nag-aalaga ako ng aking baby,” pahayag niya sa isang segment ng Eat Bulaga nitong Huwebes.

Sambit niya, magdadalawang taon na ang kanyang dyunakis.

Bukod sa pagiging bagito, isa ring SK president ang child wonder.

Ani Tolits, halos online na idinaraos ang kanilang sessions dahil sa kasalukuyang pandemic.

Taong 2003 nang gumawa ng pangalan si Tolits sa “That’s My Boy” segment ng “Eat Bulaga!” (VA)

The post Eat Bulaga child star na si Tolits, may dyunakis na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eat-bulaga-child-star-na-si-tolits-may-dyunakis-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eat-bulaga-child-star-na-si-tolits-may-dyunakis-na)