Para sa isang miyembro ng Vaccine Expert Panel, hindi niya inirerekomenda na ibaba sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).
Paliwanag niya, hindi pa ligtas ang rehiyon na magluwag dahil hindi pa mababa ang kaso ng COVID-19.
“Kinakabahan ako nito kasi Alert Level 3 na tayo tapos hindi pa masyadong mababa ‘yung mga kaso. I’m very apprehensive with that kasi alam mo, dalawang linggo pa lang tayo nakikitang pagbaba tapos drastically, nagbaba na tayo ng Alert Level 3,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante sa panayam sa One PH.
“In fact, talagang ayaw ko sana. In fact when I was asked personally, sana ma-extend ng two weeks pero wala. Tignan natin. Again, ingat na lang. Kasi we’re not out of the hook yet,” dagdag niya.
Sa bagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force, simula ngayong Sabado, Oktubre 16 hanggang Oktubre 31, isasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 kung saan pinayagan nang magbukas ang mga sinehan at amusement park, at itinaas din ang venue capacity
The post Eksperto kabado sa Alert Level 3 sa NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eksperto-kabado-sa-alert-level-3-sa-ncr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eksperto-kabado-sa-alert-level-3-sa-ncr)
0 Mga Komento