Pinatutsadahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar si Jake Cuenca kaugnay sa skandalong idinulot nito matapos makipag habulan sa kapulisan sa kahabaan ng Mandaluyong nitong Sabado.

Ani Eleazar, imbes daw kasi na manghingi na lang ng dispensa ang aktor sa mga awtoridad ay nag-feeling action star pa umano ito.

“Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place,” anang hepe sa isang video message.

“May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula,” hirit niya.

Samantala, nanghingi naman ng paumanhin ang PNP official sa Grab driver na nadawit at tinamaan pa ng bala dahil sa naturang habulan.

Tiniyak niya na makakatanggap ng pinansyal na tulong ang pamilya ng rider matapos ang insidente.

“I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery,” ani Eleazar.

(VA)

The post Eleazar kay Jake Cuenca: Feeling action star! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eleazar-kay-jake-cuenca-feeling-action-star/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eleazar-kay-jake-cuenca-feeling-action-star)