Para matutong pahalagahan ang pera sa murang edad, kakaibang parenting technique ang naging paandar ng isang ermat sa anak niyang 7 anyos.

Sa isang TikTok ng ginang na si @craftedandcrazy mula Florida, USA, sinabi niya na nag-aabot sa kanya ang 7 anyos niyang anak ng pera pang-ambag sa bayarin nila sa renta at kuryente kada katapusan ng buwan.

Tanong ng mga concerned citizen, saan nakukuha ng bagets ang datung niya?

Paglilinaw ng ermat, binibigyan niya ng listahan ng gawaing bahay ang kanyang anak at pag nakumpleto aniya ng bata ito ay binibigyan niya dolyar ang bagets.

“I have a seven-year-old. He has a daily task list that he must complete on a daily basis,” aniya.

Should he complete everything on his task list he gets a dollar per day,” dagdag pa niya. (VA)

The post Ermat pinagbabayad 7 anyos na anak ng renta, kuryente first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ermat-pinagbabayad-7-anyos-na-anak-ng-renta-kuryente/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ermat-pinagbabayad-7-anyos-na-anak-ng-renta-kuryente)