Mas matao pa sa Boracay ang naging sitwasyon ngayong Linggo sa Manila Baywalk Dolomite Beach.
Halos napuno na kasi ng tao ang naturang beach at wala ng social distancing ang naisasapatupad.
TINGNAN: Marami ang nagtungo sa Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Linggo ng umaga, Oktubre 24 | via @jekkipascual pic.twitter.com/trWvrNaK4k
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) October 24, 2021
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, tinatayang nasa 4,000 katao ang nagsisikan sa 1.2 ektaryang beach.
Ani Jacob Meimban Jr, deputy executive director of Manila Bay Coordinating Office, hindi umubra ang stratehiya nilang gawing by batch ang pagpasok sa beach dahil gagawa naman aniya ito ng mahabang pila at pagkukumpulan sa kahabaan ng Manila Bay.
“Ginawa na namin ‘yan (pag-hold sa tao sa entrance). Ang nangyari ay lalo nagkaka-congestion sa labas, na sa tingin namin ay mas delikado dahil dikit-dikit sila doon at hindi gumagalaw,” sambit niya sa panayam. (VA)
TINGNAN: Marami ang nagtungo sa Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Linggo ng umaga, Oktubre 24 | via @jekkipascual pic.twitter.com/trWvrNaK4k
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) October 24, 2021
The post Feeling Bora! 4K katao siksikan sa Dolomite Beach first appeared on Abante TNT Breaking News.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/feeling-bora-4k-katao-siksikan-sa-dolomite-beach/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=feeling-bora-4k-katao-siksikan-sa-dolomite-beach)
0 Mga Komento