Naghain na ang Gabriela Women’s Party ng Certificate of Nomination, at Certificate of Acceptance of Nomination ng mga nominee nito para sa 2022 partylist election.

“Mataas na kaso ng pang-aabuso, tumitinding kahirapan, bulok at kinorap na serbisyong pangkalusugan — ilan ito sa maraming batayan kung bakit dapat palakasin ang boses ng kababaihan sa Kongreso,” sabi ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

Nangako ang Gabriela na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng libreng mass testing, mas malaking pondo para sa mga ospital ng gobyerno at dagdag na sahod at benepisyo para sa mga healthcare workers.

Bukod kay Brosas, nominado ng Gabriela ang doktor at environmentalist na si Dr. Jean Lindo, at consumer rights defender na si Lucy Francisco.

“With a doctor in our roster, we will strongly advocate an alternative health-based solution to Duterte’s militarist pandemic response,” dagdag pa ni Brosas.

Unang sumali ang Gabriela party-list sa eleksyon noong 2004 at palagi itong nananalo.

The post Gabriela Women’s Party sumali muli sa partylist election first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gabriela-womens-party-sumali-muli-sa-partylist-election/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gabriela-womens-party-sumali-muli-sa-partylist-election)