Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong Biyernes, Oktubre 1.

Ang abugado ni Arroyo na si Peter Paul Maglalang ang naghain ng kanyang COC sa Office of the Provincial Election Supervisor sa San Fernando, Pampanga.

Si Arroyo ay tatakbo sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. (Billy Begas)

The post GMA tatakbo muli sa pagkakongresista first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gma-tatakbo-muli-sa-pagkakongresista/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gma-tatakbo-muli-sa-pagkakongresista)