Ipinakita ng dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang pagiging tapat at may integridad nila kahit walang nakatingin.

Nito lamang Miyerkoles nang ibinalita ng PMA na dalawa sa kanilang Second Class – sina Cadet 2CL John Carlo Irlandez at 2CL Henry Cordova ang nagsurender ng pitakang 25,000 ang laman.

Ayon sa ulat, papunta sanang ATM ang dalawa nang maispatan nila ang nakakalat na pitaka sa daan.

https://www.facebook.com/950696121613864/posts/5495812767102154/?d=n

Agad naman nilang dinala ito sa guardroom.

Pinabilang umano ni Maj. Bumagat, posted Officer-in-Charge PMA, ang laman ng wallet at doon na nalaman na meron pala itong 25k sa loob.

Naibalik na sa owner ang kanyang wallet at tuwang-tuwa pa umano sa katapatan ng dalawa.

“Lahat naman tayo gagawin iyon. Kasi yun yung pinakatamang gawin,” ani 2CL Irlandez.

“Normal na iyan sa kadete as practiced because it is an expected trait from an effective leader,” dagdag naman ni 2CL Cordova. (VA)

The post Good samaritan! 2 PMA cadets di nasilaw sa 25K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/good-samaritan-2-pma-cadets-di-nasilaw-sa-25k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=good-samaritan-2-pma-cadets-di-nasilaw-sa-25k)