Naghain ng certificate of candidacy (COC) si Atty. George Garcia para kay Sorsogon Governor Francis ‘Chiz” Escudero na siyang balik bumalik sa Senado.

Ayon sa ulat ng GMA News, tatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition ang gobernador.

Una nang naghain ng COC si Deputy Speaker Loren Legarda ngayong Huwebes sa ilalim din ng naturang partido.

Nagsilbing senador si Escudero mula 2007 hanggang 2019. (VA)

The post Goodbye Sorsogon? Chiz Escudero target maging senador uli first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/goodbye-sorsogon-chiz-escudero-target-maging-senador-uli/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=goodbye-sorsogon-chiz-escudero-target-maging-senador-uli)