Nagsanib-pwersa ang dalawang bagitong sina Ja Morant at Jaren Jackson Jr. nang gibain ng Memphis Grizzlies ang LA Clippers, 120-114, upang manatiling walang talo sa bagong simulang NBA season.

Bumida si Morant sa kanyang 28 points, dalawang rebounds at walong assist, kung saan ang huli niyang pasa ay para sa tres ni Jackson na bumaon sa Clippers.

Samantala, si Jackson ay nag-ambag ng 21 points at pitong rebounds, habang nagdagdag pa si De’Anthony Melton ng 22 points at pitong rebounds.

Sa kabilang dako, binuhat ni Paul George ang Clippers sa kanyang 41 points at 10 rebounds, habang si Reggie Jackson ay nagdagdag ng 17 points, ngunit kinapos sila sa dulo.

Wala pa ring panalo sa dalawang laban ang Clippers, na nahaharap sa dagok na lumaro nang wala si Kawhi Leonard sa karamihan ng kanilang mga laro sa regular season. (mjd)

The post Grizzlies nilapa ang Clippers first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/grizzlies-nilapa-ang-clippers/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=grizzlies-nilapa-ang-clippers)