Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong Martes.

Ang Caltex, o Chevron Philippines at Pilipinas Shell ay magtataas ng presyo ng gasolina ng P1.45 kada litro, diesel ng P2.05 kada litro at kerosene ng P2.05 kada litro.

Samantala, ang Cleanfuel at Petro Gazz ay magdadagdag ng parehas na presyo sa kanilang diesel at gasolina maliban lamang sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Ang Shell at Petro Gazz ay magdadagdag ng presyo alas-6:00 a.m. ng umaga, ang Caltex ay alas-12:01 a.m ng madaling araw at ang Cleanfuel ay alas-4:00 p.m. ng hapon.

Habang sinusulat ang storyang ito ay wala pang abiso ang ibang kompanya ng langis.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

The post Halos P2 taas-presyo sa langis kasado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-p2-taas-presyo-sa-langis-kasado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halos-p2-taas-presyo-sa-langis-kasado)