Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Commission on Elections na makapagsagawa ng voting simulation o voting dry run.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na binigyan ng go signal ng Comelec para gawin ang dry run sa San Juan City sa October 23, 2021.

“Approved in the IATF’s 144th meeting is the request of the Commission on Elections to conduct voting simulation exercises on October 23,2021 in San Juan City,” ani Roque.

Layon ng voting simulation na mapaghandaan ang gagawing halalan sa susunod na taon sa harap ng paghamon na kinakaharap ng bansa sa COVID-19 pandemic para matiyak na masusunod ang health protocols sa mismong araw ng eleksiyon.

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang kahilingan ng Intramuros Administration para sa kanilang mga programa sa mga fully vaccinated senior citizens edad 65 pataas subalit kailangan pa ring sundin ang mga kundisyong ipapatupad mula sa lokal na pamahalaan at Department of Health.

“Also approved in the IATF’s meeting is the request of Intramuros Administration to implement programs in Fort Santiago and the Baluarte San Diego for fully vaccinated senior citizens aged 65 and above, subject to conditions,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

The post Hirit na voting dry run ng Comelec, OK sa IATF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hirit-na-voting-dry-run-ng-comelec-ok-sa-iatf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hirit-na-voting-dry-run-ng-comelec-ok-sa-iatf)