Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc upang hilingin sa gobyerno na magbigay ng P10,000 tulong sa bawat indibidwal na naapektuhan ng bagyong Maring.

Sa House Resolution 2296, iminungkahi ng mga mambabatas ang paggamit ng pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

“Whereas, the DSWD must hasten the release of its available funds to assist calamity-stricken families in Northern Luzon and other parts of the country amid the raging pandemic, high prices, and negligible government support especially to Filipino farmers,” sabi sa resolusyon.

Binayo ng severe tropical storm Maring ang hilagang bahagi ng Luzon matapos nitong makipagsanib sa bagyong Nando. Nag-landfall ito noong Oktobre 11 sa Fuga Island, Aparri, Cagayan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 37 ang nasawi, tatlo ang sugatan at 16 iba pa ang nawawala.

Tinatayang P1.1 bilyon ang pinaslang idinulot ng bagyo sa agrikultura. (Billy Begas)

The post Hirit ng mga militanteng kongresista, P10K ayuda sa nasalanta ng bagyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hirit-ng-mga-militanteng-kongresista-p10k-ayuda-sa-nasalanta-ng-bagyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hirit-ng-mga-militanteng-kongresista-p10k-ayuda-sa-nasalanta-ng-bagyo)