Pinabulaanan ng Department of Health ang pahyag ni Senadora Risa Hontiveros kaugnay sa P6.9 milyong halaga ng COVID-19 vaccine sa sinayang umano ng ahensya.
Anang DOH, 12,696 lang sa 87 milyong COVID vaccines ng bansa ang nasayang.
Ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje, katumbas lang ito ng 0.001% ng kabuuang bilang ng bakunang natanggap ng ‘Pinas.
“This is our vaccine wastage from the beginning, a total of 12,686 doses wasted. These are mostly from temperature excursions,” anang opisyal sa isang briefing,
Sa bilang na ito, sinabing 5,186 ay AstraZeneca, 4,380 ay Sinovac, 2,921 ay Pfizer, 97 ay Gamaleya, 87 ay Moderna, at 15 naman ay Janssen.
Ani Cabotaje, dulot ito ng mga insidente tulad na lamang ng nangyaring sunog sa isang gusali sa Ilocos Norte.
“Mayroon din po tayong incidents na nasunog like the one in Cotabato, like the one in San Nicolas, Ilocos Norte. Nu’ng nasunog yung building, nasunod din ang vaccine,” aniya. (VA)
The post Hontiveros fake news! Bakunang nasayang 12K lang – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-fake-news-bakunang-nasayang-12k-lang-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hontiveros-fake-news-bakunang-nasayang-12k-lang-doh)
0 Mga Komento