Naghain na sina Senadora Risa Hontiveros at Antique Rep. Loren ng kanilang certificate of candidacy para sa pagka-senador sa elekisyon sa Mayo 22.

Persona na nagtungo si Hontiveros sa Harbor Garden Tent ng Sofitel hotel sa pasay City Biyernes ng tanghaili para pormalisa ang kanyang pagtakbo sa panibagong terminu sa Senado.

Bago maghain ng CO, nagtungo muna si Hontiveros sa Malate Catholic Church kasama ang mga kasapi ng Akbayan Party. Siya ay partylist representative ng Akbayan mula 2004-2010 at kasalukuyang national chairperson ng partido.

Samantala, si Deputy Speaker and Antique Rep. Legarda ang unang naghain ng COC at target makabalik sa Senado sa susunod na halalan. Naghain si Legarda ng COC bandang alas-18:30 ng umaga.

Bago naging kinatawan ng Antique noong Mayo 2019, si Legarda na isang environmentalist at dating journalist ay three-term senator (1998-2004 at 2007-2019).

“With my 20 years of experience as Senator and my stint as Representative of the Lone District of Antique, I am confident that I can do much more to help solve the twin crisis, for the welfare of the Filipino people,” sabi ni Legarda sa isang statement.

“More jobs and livelihood, quality education, efficient healthcare system, stronger environmental protection, and cultural preservation – these are what I have always championed since I was first elected Senator in 1998 and these are what I will continue to prioritize, given a fresh start in the Senate in 2022,” dagdag nito. (Dindo Matining)

The post Hontiveros, Legarda naghain na ng COC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hontiveros-legarda-naghain-na-ng-coc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hontiveros-legarda-naghain-na-ng-coc)