Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang pagbubukas ng ilang mga negosyo gaya ng amusement parks, theme parks kasama na dito ang mga sinehan sa Metro Manila.
Ito ay matapos ibaba ng IATF sa alert level 3 ang Metro Manila epektibo ngayong Sabado.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa mga muling magbubukas na negosyo, 30% lamang ang dapat na kapasidad nito para sa mga fully vaccinated na indibidwal.
“Halos lahat na po ngayon magbubukas ng 30% for fully vaccinated individuals,” ani Roque.
Fifty percent capacity ang papayagan sa al-fresco o yaong mga establisimento na nasa bukas na lugar habang 30% sa dining, meeting at iba pang social events gaya ng party, kasal, binyag at iba pa.
Matatandaang umapela ang asosayon ng cinema operators sa IATF para payagan na silang makapagbukas dahil mahigit isang taon na silang natengga at maraming mga empleyado nila ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. (Aileen Taliping)
The post Iba’t-ibang pasyalan magbubukas sa Alert Level 3 first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ibat-ibang-pasyalan-magbubukas-sa-alert-level-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ibat-ibang-pasyalan-magbubukas-sa-alert-level-3)
0 Mga Komento