Kung mahalal na pangulo sa 2022, inihayag ni Senador Manny Pacquiao na hindi niya haharangin ang International Criminal Court (ICC) sa pag-imbestiga sa mga kasong ihahain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kontrobersiyal na giyera kontra droga.

Sabi ni Pacquiao, dapat irespeto ng gobyerno ng proseso ng ICC.

“Nire-respeto natin yung investigation ng ICC dahil myembro tayo dyan. Unang-una, hindi tayo tututol dyan dahil karapatan nila bilang myembro tayo ng international community dapat din nating igalang ang kanilang mga proseso,” sabi ni Pacquiao sa panayam sa ANC.

Nang tanunging kung ipapakulong niya si Duterte sa oras na ihalalal sa pagka-presidente, sinabi ni Pacqquiao na reresputhin na lang niya ang imbestigasyon ng ICC.

“Pagdating sa mga ganyan, dahil sa nire-respeto natin ‘yung imbestigation ng ICC, rerespetuhin din natin ‘yan.”

Nauna nang inatasan ng Pre-Trial Chamber ng ICC na simulant na ang pag-imbestiga sa ‘crimes against humanity’ na mga kasong inihain laban kay Duterte kaugnay na namatay sa anti-drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Dindo Matining)

The post ICC probe kay Duterte hindi pipigilan ni Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/icc-probe-kay-duterte-hindi-pipigilan-ni-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=icc-probe-kay-duterte-hindi-pipigilan-ni-pacquiao)