Plano ni Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno na maranasan ng mga Pinoy ang normal na pamumuhay sa gitna ng pandemya sa unang anim na buwan niya sa pwesto sakaling mahalal.
“I want you by December 31 of 2022, lumalabas ka na, kumakain na kayo kasi lahat kayo bakunado ng booster [shots] already,” pahayag ni Moreno nitong Martes sa panayam ng ANC.
“Because everybody is protected. I want you to go normal. I want your kids to go back to school. I want everyone going out there. I want us to live,” dugtong pa ni Moreno.
Batay sa tala nitong Linggo ay mahigit 25 milyong Pilipino na ang kumpleto ang bakuna laban sa COVID. Ito ay 33.33% ng target population na 50 hanggang 70 milyon.
Habang nitong Setyembre naman ay inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tangka nilang maabot ang herd immunity sa buong Pilipinas bago ang eleksyon sa Mayo 2022. (mjd)
The post Isko ‘pag naupo: Pinas balik-normal sa 6 buwan first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-pag-naupo-pinas-balik-normal-sa-6-buwan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isko-pag-naupo-pinas-balik-normal-sa-6-buwan)
0 Mga Komento