Binanatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos buksan ang Dolomite beach at hindi naipapatupad nang maayos ang health protocols gaya ng social distancing.

Nitong Linggo ay tinatayang nasa 65,000 katao ang dumayo sa artificial beach.

Kaya dahil sa siksikan ng mga tao, hinamon ni Moreno ang mga nasa pamahalaan na kasuhan ang mga opisyal ng DENR dahil sa kapabayaan nitong masiguro ang pagpapatupad ng safety protocols.

“Sila ang nagpapatupad, sila din ang lumalabag,” pahayag ni Moreno sa panayam ng ANC. “File charges in violation [of health protocols] sa mga kapwa nila nasa national government.”

“If they cannot implement it within their offices, then there is no point implementing it sa mga taongbayan (to the public),” dugtong pa ng alkalde.

Ginawa ni Moreno ang paghamon na kasuhan ang DENR dahil simula nang pumutok ang pandemya ay pinasasara ng pamahalaan ang mga pribadong establisyimento na pasaway sa health protocols.

“I hope this is not just a lip service… that they would file cases against violators,” dugtong pa ni Moreno. “We respect their authority developing the area… but due diligence must be observed.” (mjd)

The post Isko: Protocols sa Dolomite beach nilabag ng DENR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-protocols-sa-dolomite-beach-nilabag-ng-denr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isko-protocols-sa-dolomite-beach-nilabag-ng-denr)