Trending topic ngayon sa online world si Jake Cuenca.

Ayon sa ulat ng GMA News, nabangga kasi ng SUV na minamaneho ng aktor ang isang sasakyan ng mga pulis sa Mandaluyong City nitong Sabado ng gabi.

Batay sa report, tinakasan umano ng aktor ang mga pulis dahilan para maghabulan ito hanggang umabot sa Shaw Boulevard sa Pasig City.

Nang makorner na, doon na napag-alaman na si Cuenca pala ang drayber ng SUV.


Ani Eastern Police District director Police Brigadier General Matthew Bacay, nagpaputok rin ang kapulisan para mahinto ang tsikot ng aktor.

Sa kasamaang palad, isang Grab rider ang tinamaan nito.

“In the course of the chase nila, ‘yung mga personnel natin had to disable ‘yung sasakyan, pinaputukan ‘yung gulong. May tinamaan na Grab driver,” ani Bacay sa isang panayam.

Agad namang isinugod sa ospital ang rider at kasalukuyang stable na raw ang kondisyon nito.

Samantala, nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property si Cuenca dahil sa kinasangkutang insidente.

The post Jake Cuenca, pulis naghabulan sa Mandaluyong; Grab rider nabaril first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jake-cuenca-pulis-naghabulan-sa-mandaluyong-grab-rider-nabaril/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jake-cuenca-pulis-naghabulan-sa-mandaluyong-grab-rider-nabaril)