Kahit ligwak sa pagkuha ng Miss Universe Philippines crown, proud pa rin ang nobyo ni Maureen Wroblewitz na si JK Labajo sa kanya.

Ani JK, si Mau pa rin ang Ms. Universe niya.

https://www.facebook.com/100044343850403/posts/435944351227023/

“Congratulations kay Ms Pangasinan!!! Ikaw parin ang Ms Universe ko ❤”

Bago nito, nagpakita na rin ng all out support ang singer sa kanyang nobya habang ineere ang coronation ight nitong Huwebes ng gabi.

https://www.facebook.com/100044343850403/posts/435883587899766/

https://www.facebook.com/100044343850403/posts/435846457903479/

https://www.facebook.com/100044343850403/posts/435815187906606/

Kahit bigong manalo ay kabilaang parangal naman ang natanggap ni Maureen tulad ng Miss AirAsia Philippines at Miss Hennan Resort.

Nagtapos siya bilang first-runner up na siyang sinundan ni Steffi Aberasturi ng Cebu Province bilang second runner-up.

Si Beatrice Gomez ng Cebu City ang tinanghal na Miss Uniiverse Philippines 2021. (VA)



The post JK proud BF ni Maureen: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jk-proud-bf-ni-maureen-ikaw-pa-rin-ang-miss-universe-ko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jk-proud-bf-ni-maureen-ikaw-pa-rin-ang-miss-universe-ko)