Tuloy na ang target na pagbabalik sa Senado ni dating senador Joseph Victor “JV” Ejercito.

Nitong Sabado ay naghain na siya ng certificate of candidacy (COC) para tumakbong senador sa 2022 elections.

Pasado alas-dos ng hapon naghain ng COC ang anak ni dating pangulong Joseph Estrada sa Comelec tent sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City.

Nagsilbing senador si Ejercito mula 2013 hanggang 2019.

Natalo siya sa reelection bid noong 2019 elections sa pag-landing sa 13th spot, kabuntot ni Senadora Nancy Binay.

The post JV magbabalik Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jv-magbabalik-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jv-magbabalik-senado)