Inihayag ng labor leader at presidential aspirant na si Ka Leody de Guzman ang mga pambato niya sa Senado sa 2022 elections ngayong Sabado.
Ito ay binubuo nina Luke Espiritu, Roy Cabonegro, David D’angelo, Chel Diokno, Senadora Risa Hontiveros, Neri Colmenares, Bong Labog, Sonny Matula at Leila de Lima.
Ang nabanggit na lineup ay binubuo ng mga environmentalist, labor leaders, human rights lawyers at reelectionist senators.
Paglilinaw ni de Guzman, walang obligasyon ang mga naturang indibidwal na tulungan ang kanyang kampanya bagkus inilahad lamang niya ang lineup dahil tiwala siya sa kakayahan ng mga ito na maglingkod sa bayan.
“Narito ang aking personal na mungkahi. Wala silang obligasyong dalhin ang aking kandidatura. Hindi ito transactional politics. Nagtitiwala ako sa kanilang hangarin para sa bayan,” pahayag ni de Guzman.
Si de Guzman ay standard-bearer ng Partido Lakas ng Masa, at sasabak sa pagkapangulo kahit tumapos lamang ng ika-38 sa 2019 senatorial elections.
The post Ka Leody inilantad Senate bets first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ka-leody-inilantad-senate-bets/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ka-leody-inilantad-senate-bets)
0 Mga Komento