Nagpaalam na rin si ‘Kabayan’ Noli de Castro sa ABS-CBN ngayong Huwebes ngunit hindi para lumipat ng network, kundi para bumalik sa politika.

Si de Castro ay tatakbong senador sa 2022 sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na ibabandera ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno.

“Sorry to say na ito ho ang huling araw ko na dito sa TeleRadyo for so many years,” saad niya sa kanyang programa.

“Ako po’y makikipagsapalaran sa bagong uri ng panunungkulan o public service pero tuloy-tuloy ho ang ating public service,” aniya.

“Medyo itong pagkakataon na ito, mas magiging malawak na po ang isasagawa kong public service kung susuwertehen sa tulong na rin po ninyo,” dugtong pa ni de Castro.

Si Kabayan ay unang nanalong senador noong 2001, ngunit kalahati pa lamang sa kanyang termino noong 2004 ay sinubukan niyang tumakbong bise presidente at nanalo.

Pagkatapos ng kanyang termino noong 2010, bumalik siya sa pagiging broadcaster. (mjd)

The post Kabayan nag-babu sa ABS-CBN, kakatok sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kabayan-nag-babu-sa-abs-cbn-kakatok-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kabayan-nag-babu-sa-abs-cbn-kakatok-sa-senado)