Walang atrasan sa nakatakdang pagsisimula ng pilot face-to-face classes sa elementarya.
Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa press briefing sa Malacañang kahit pa may ilang eskuwelahan na umurong na magbukas ng klase dahil sa nananatiling peligro ng COVID-19.
“Even as merong nag-back out, mayroon namang sulat ng sulat sa akin na mga mayor, mga parents na gusto nila ang face to face, iilan lang ang local governments ito,” ani Briones.
Sa ngayon aniya ay nasa 90 pampublikong paaralan na ang nasa kanilang listahan at inaasahang aabot pa ito hanggang isang daan dahil marami ang nagpapahayag ng interes sa pilot face-to-face classes.
Mayroon din aniyang 20 pribadong paaralan ang nagpahayag na sumama rin sa pilot face-to-face at isang international school.
“Ngayon so far, 90 schools ang na-identify natin na public schools. Halos everyday may magdadagdag na schools na nag-qualify. Ang ginagawa natin ay nire-review dahil ang policy ay magdagdag tayo ng 20 private schools,” dagdag ni Briones.
Maganda aniya ang pagtugon ng publiko na inilalargang pilot face-to-face kaya ngayon pa lang ay inihahanda na nila ang lahat ng gagawing pag-iingat para matiyak ang kaligtasan ng mga batang estudyante.
“Napakaganda naman ang response ng publiko dahil matagal na nila itong hinihintay. We are taking all the possible precautions dahil ayaw ng Presidente natin na ma-expose to danger ang mga learners and teachers and staff, ” wika ni Briones. (Aileen Taliping)
The post Kahit may mga umatras! Face-to-face classes tuloy – Briones first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-may-mga-umatras-face-to-face-classes-tuloy-briones/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-may-mga-umatras-face-to-face-classes-tuloy-briones)
0 Mga Komento