Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang resolusyon na nanawagan sa Department of Education (DepEd) na otomatikong bigyan ng pasadong marka ang lahat ng estudyante na nag-enroll noong School Year 2020-2021.

Ang House Resolution 2267 ay pinagtibay ng Kamara sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon Huwebes ng gabi.

Ayon sa resolusyon nakaranas ng stress ang mga estudyante at guro sa online class dulot ng iba’t ibang problema gaya ng kawalan ng gadget, mabagal na internet connection at kawalan ng mobile signal, at iba pang technical glitches.

Dumagdag pa umano sa problemang nilikha ng COVID-19 pandemic ang pananalasa ng super typhoon Rolly, severe tropical storm Siony, tropical storm Tonyo at typhoon Ulysses.

“Whereas, to ease the burdens of students and protect their mental health and well-being, scholastic leniency should be accorded to all students currently enrolled in the K to 12 basic education program for school year 202-2021 by way of the grant of an automatic passing mark to enable them to advance to the next school year,” sabi sa resolusyon. (Billy Begas)

The post Kamara pinagtibay resolusyon para walang bumagsak na estudyante first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-pinagtibay-resolusyon-para-walang-bumagsak-na-estudyante/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kamara-pinagtibay-resolusyon-para-walang-bumagsak-na-estudyante)