Naghain ng kanyang certificate of candidacy si Kapa Community Ministry International Inc. founder Joel “Pastor” Apolinario para sa pagka-senador.

Siya ang kauna-unahang nag-file ng COC para sa senatorial race at tatakbong independent.

Sakali umanong manalong senador ay isusulong niya ang pagbibigay trabaho sa mga jobless, pabahay sa mga palaboy, palalakasin ang edukasyona at health system, at pangkabuhayan para sa mga mahihirap.

Matatandaang noong nakaraang taon inaresto si Apolinario sa Lingig, Surigao del Sur dahil sa umano’y Kapa investment scam.

The post Kapa founder tatakbong senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapa-founder-tatakbong-senador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kapa-founder-tatakbong-senador)