Umakyat pa sa 40,940 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang karagdagang 56 pulis na bagong nasapol nitong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 155 ang bagong nakarekober sa virus.

Ayon sa datos ng PNP Health Service, tumaas na sa 39,626 pulis na ang gumaling mula sa COVID.

Nanatili naman sa 121 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon ay may 1,193 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID. (VA)

The post Kaso ng COVID sa PNP aapaw na sa 41K! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-covid-sa-pnp-aapaw-na-sa-41k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-covid-sa-pnp-aapaw-na-sa-41k)