Sinilip ni presidential aspirant at Partido Reporma chairman Panfilo ‘Ping’ Lacson ang lumobong kita ng Department of Health (DOH) mula sa mga ospital na pinangangasiwaan nila ngayong pandemya.
Giit ni Lacson, marami namang nalikom na pera ang ahensya ngunit bakit aniya pinagbabayad pa ang mahihirap sa mga hospitalization bill.
“Maraming naipon na pera, pero kahit ngayong pandemya ay sinisingil pa rin ang mga kapus-palad na dapat ay libre sa kanila,” wika ng Senador.
Kasunod ang pahayag matapos niyang ibunyag na P448.439 bilyon ang kinita ng mga DOH hospital ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon sa ulat, nagmula ang kinita sa Off-Budget Accounts na napiga mula sa mga binayaran ng mga pasyente sa mga pagamutan, gamot at medisina at maging mga certification fees.
“Why would we still charge patients hospitalization fees at a time of pandemic? Should it not be that the amount be used to cushion the suffering of our people who are confined in government hospitals?” aniya Lacson.
“Hindi ba parang may kaunting konsensya issue rito? We’re not using the budget yet we’re charging patients.
“I think a review of these off-budget accounts is in order para maipuno natin sa pangangailangan,” dagdag pa ni Lacson. (VA)
The post Lacson: Mga DOH ospital kumikita naman, dapat libre na mahirap! first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-mga-doh-ospital-kumikita-naman-dapat-libre-na-mahirap/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-mga-doh-ospital-kumikita-naman-dapat-libre-na-mahirap)
0 Mga Komento