Isang kaalyado ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang gustong bumalik sa Kamara de Representantes.

Si Davao de Oro Vice Gov. Maria Carmen Zamora ay naghain ng kanyang certificate of candidacy sa ilalim ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP), ang regional party na pinamumunuan ni Carpio.

Si Zamora ang officer-in-charge ng House Committee on Appropriations nang maging Speaker si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Siya ay miyembro ng Kamara mula 15th hanggang 17th Congress (2010-2019).

“We will continue to deliver the needs of our constituents in this time of COVID-19 pandemic. Our leadership will continue to champion the interest of the people, that is our brand of service,” sabi ni Zamora.

Si Zamora ang unang pulitiko na naghain ng COC sa probinsya ayon kay Davao de Oro Provincial Election Supervisor Atty. Krisna Samantha Caballero.

Ang ama ni Zamora na si Davao de Oro Rep. Manuel “Way Kurat” Zamora ay tatakbo naman sa pagka-alkalde ng Monkayo. Siya ay miyembro ng HNP at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na pinamumunuan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. (Billy Begas)

The post Lady vice governor gustong bumalik sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lady-vice-governor-gustong-bumalik-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lady-vice-governor-gustong-bumalik-sa-kamara)