Tila masyadong napalakas ang tama ng alak sa isang kelot sa Bursa, Turkey.

Sa ulat kasi ng Daily Saba, sumama ang lasing na lalaki sa search and rescue team na pinaghahanap siya.

Kinilala ang kelot na si Beyhan Mutlu na siyang idineklarang ‘missing’ noong Martes.

Batay sa report, nagpunta si Mutlu sa kanyang mga kaibigan at napadpad sa gubat nang lasing.

Doon na niya naabutan ang rescue team na naghahanap sa kaniya.

Nang mahimasmasan ay tinanong ni Mutlu kung sino ba ang hinahanap ng team na sinamahan niya.

Doon lang niya napagtanto na siya pala ang missingm man.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa home sweet home na ang senglot. (VA)

The post Lalaking senglot na nawawala, sumama sa rescue team na naghahanap sa kaniya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lalaking-senglot-na-nawawala-sumama-sa-rescue-team-na-naghahanap-sa-kaniya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaking-senglot-na-nawawala-sumama-sa-rescue-team-na-naghahanap-sa-kaniya)