Muling susubok sa senatorial race sa 2022 si Atty. Larry Gadon, na sumikat sa kanyang ‘mga bobo’ memes sa social media.

Ngayong Martes ay naghain si Gadon ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa Senado sa ikatlong pagkakataon.

Unang sumubok ang abogado noong 2016 kung saan nagtapos siya sa ika-27 pwesto at noong 2019 ay pang-28 pwesto naman siya.

Sakaling mahalal, nais umano niyang amyendahan ang 1987 Constitution.

Si Gadon ay kilalang loyalist ni dating pangulo Ferdinand Marcos.

Sumikat siya sa kanyang ‘mga bobo’ memes sa mula sa isang viral video kung saan tinawag niyang mga bobo ang mga taga-suporta ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

At nitong pandemya ay kumalat din ang larawan niya kung saan dinikit niya ang face mask sa suot na face shield. (mjd)

The post Larry Gadon, galit sa bobo, takbo uli sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/larry-gadon-galit-sa-bobo-takbo-uli-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=larry-gadon-galit-sa-bobo-takbo-uli-sa-senado)