Mukhang nakahanda na ang mga gamot pang-highblood ng mga Cebuano.

Ngayong Biyernes kasi ay nagsimula nang ipagdiwang ng Talisay City ang Lechon Festival.

Ayon sa ulat ng GMA News, idi-dispaly ang lechon sa labas ng Barangay Poblacion Church at magigiing available lang sa takeout para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.

Ani Edward Alesna, punong barangay ng Poblacion, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkakalat ng mga tindero sa naturang lugar bilang bahagi ng saftey protocols.

Ang Lechon Festival ay bahagi na ng selebrasyon ng Talisay tuwing pista ni St. Teresa De Avila. (VA)

The post Lechon Festival sa Cebu aarangkada ngayong Biyernes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lechon-festival-sa-cebu-aarangkada-ngayong-biyernes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lechon-festival-sa-cebu-aarangkada-ngayong-biyernes)