Isang police couple ngayon ang hinahangaan matapos magsauli ng napulot nilang bag na may lamang mahigit P20,000.
Kinilala ang mga good samaritan na parak na sina Police Corporal Chester Alibin mula sa Aurora Police Provincial Office at si Police Corporal Lynette Reynoso-Alibin na nakadestino sa Baler Police Station.
Ayon sa ulat ng Philippine National Police, sinuali ng mag-asawa ang bag nitong Huwebes.
Batay sa report, natagpuan ng dalawa ang naturang bag bandang alas-dos ng hapon sa sa Barangay Pingit sa Baler, Aurora.
Nang buksan nfg dalwa ang ay bumuluga sakinla ang P20,069 pera ng may-ari.
Agad namn nilang kinontak ang may-ari ng bag.
Kaugnay nito, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na: “Saludo ako sa mag-asawang pulis na ito na naging tapat at ginawa ang tama sa kabila ng hirap na dinaranas nating lahat ngayong pandemya.” (VA)
The post Lodi! Mag-asawang parak di nasilaw sa 20K first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lodi-mag-asawang-parak-di-nasilaw-sa-20k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lodi-mag-asawang-parak-di-nasilaw-sa-20k)
0 Mga Komento