Isang pulis sa Davao City ang hinahangaan ngayon matapos nitong magsauli ng napulot niyang sobre na may lamang mahigit P300,000.
Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang good samaritan na pulis bilang si Police Corporal Rene Getigan.
Ayon sa ulat ng GMA News, nagpapatrolya sa Buhangin, Davao City si Getigan nang maispatan ang isang puting sobre.
Nang buksan niyo ito, mga tseke umano ang tumambad sa kanya.
Batay sa report, agad niya itong ipinag-bigay alam sa Buhangin Police Station upang mabalik sa may-ari ang P309,645.00 halaga ng tseke.
“Ito ay isang patunay lamang na mas higit na nakakarami ang mga pulis na tapat at maasahan sa kanilang sinumpaang tungkulin,” pahay ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa isang pahayag.
Naibalik na sa may-ari ang kaperhan. (VA)
The post Lodi! Parak di nasilaw sa P300K first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lodi-parak-di-nasilaw-sa-p300k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lodi-parak-di-nasilaw-sa-p300k)
0 Mga Komento