Magiging makulimlim at maulan ang Luzon, Visayas, at Mindanao sa mga susunod na araw bunsod ng Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon ito sa PAGASA nitong Sabado.

Kahapon, naispatan ang LPA 155 kilometre bandang Zamboanga City.

Bunsod nito, inaasahang magiging makulimlim at maulan ang panahon sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at BARMM.

Anang PAGASA, maaari rin itong magbunga sa pagbaha at pagguho ng lupa sakaling lalo pang lumals ang ulan.

Samantala, inaasahan namang magiging makulillim din na may bahagyang pag-ulan ang mararanasan ng Bicol Region, Aurora, at Quezon bunsod ng shear line. (VA)

The post LPA, ITCZ sanib-puwersa sa ‘LuzViMinda’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-itcz-sanib-puwersa-sa-luzviminda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lpa-itcz-sanib-puwersa-sa-luzviminda)