Isang low pressure area sa Surigao del Norte ang kasalukuyang binabanatyan ng PAGASA.

Ayon sa ulat ng ahensya, naispatan ang LPA 825 kilometro silangan ng Surigao City.

Dahil dito, inaasahang magiging makulimlim at maulan sa Caraga dulo ng intertropical convergence zone at LPA.

Bukod sa Caraga, makararanas din ng isolated rain showers ang Metro Manila at buong bansa dala ng ITCZ at localized thunderstorms ayon sa PAGASA.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng ahensya ang mga residente sa nasabing mga lugar sa maaring pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa thunderstorms. (VA)

The post LPA nagbabadya sa Surigao del Norte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-nagbabadya-sa-surigao-del-norte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lpa-nagbabadya-sa-surigao-del-norte)