Pinangalanan ang viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilalang si Madam Inutz na ikatlong celebrity housemate sa “Bahay ni Kuya”.

Hindi lamang si Madam Inutz ang nagalak kundi maging ang mga netizen sa pagkakasama niya sa “Pinoy Big Brother Kumunity” Season 10 kaya naman trending siya sa Twitter nitong Miyerkoles.

Nauna nang inanunsyo na celebrity housemates sina volleyball star Alyssa Valdez at singer KD Estrada.

Naka-livestream si Madam Inutz nang umapir si Melai Cantiveros at sinabing kasama siya sa reality series.

The post Madam Inutz makikigulo sa ‘Bahay ni Kuya’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/madam-inutz-makikigulo-sa-bahay-ni-kuya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=madam-inutz-makikigulo-sa-bahay-ni-kuya)