Ikinatuwa ng Magdalo at ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang pag-anunsyo ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo itong pangulo sa 2022.

Kasabay ng paganunsyo ni Robredo ng kandidatura ngayong Huwebes ay agad na naglabas ng statement ang Magdalo sa pangunguna ni Trillanes kung saan nagbunyi sila sa desisyon nito.

“Nagbubunyi ang Magdalo sa desisyon ni VP Leni Robredo na pamunuan ang TUNAY NA OPOSISYON sa 2022 elections sa pagtakbo bilang Presidente,” pahayag sa social media account ni Trillanes.

Dagdag pa nila, makakaasa ng suporta si Robredo mula sa grupo.

“Makakasama nya ang Magdalo para maipanalo ang laban na ‘to, at tuluyang iahon ang ating bansa mula sa pagkasirang ginawa ni Duterte,” dugtong pa ng Magdalo. (mjd)

https://www.facebook.com/photo/?fbid=439747014173588&set=a.433692401445716

The post Magdalo party-party sa pagtakbo ni Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magdalo-party-party-sa-pagtakbo-ni-leni/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magdalo-party-party-sa-pagtakbo-ni-leni)