Sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa ilalim ng Alert Level 3, one seat apart ang panuntunan sa loob ng mga naturang establisyimento, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Sa ilalim ng bagong alert level na iiral simula Oktubre 16, 30% lamang ng kapasidad ang maaaring pumasok sa mga sinehan at para lamang sa mga bakunadong indibidwal.

“A lot of people are so happy with this, even the cinema operators association,” pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya. “They’re happy because under the old guidelines, they would still continue to be prohibited under Alert Level 3, but they really appealed and requested that they be allowed to open.”

“So yes, 30 percent indoor capacity for cinemas under Alert Level 3, and, since it’s only 30 percent, there will be seats in between moviegoers that will be left vacant,” dugtong pa ni Malaya.

Unang sinabi ni Cinema Exhibitor Association of the Philippines (CEAP) president Charmaine Bauzon na sa oras na magbukas ang mga sine ay matinding health protocols ang kanilang paiiralin.

Bukod umano sa one seat apart ay naka-mask dapat ang mga manonood at bawal kumain. (mjd)

The post Magjowa, magtropa bawal magtabi sa sine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magjowa-magtropa-bawal-magtabi-sa-sine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magjowa-magtropa-bawal-magtabi-sa-sine)