Dumating na sa bansa ang 272,610 karagdagang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Batay sa ulat ng PTV, dumating ang suplay ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ani Assistant Secretary Wilben Mayor, ang dumating na batch ng bakuna ay binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Una nang dumating sa bansa noong Lunes ang mahigit 900,000 Pfizer vaccine na siyang donasyon ng US government sa ‘Pinas. (VA)

The post Mahigit 200K Pfizer vaccine lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-200k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-200k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas)